Isaias 44:23
Print
Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
Umawit ka, O langit, sapagkat ginawa iyon ng Panginoon; kayo'y sumigaw, O mga mababang bahagi ng lupa; kayo'y biglang mag-awitan, O mga bundok, O gubat, at bawat punungkahoy doon! Sapagkat tinubos ng Panginoon ang Jacob, at luluwalhatiin ang kaniyang sarili sa Israel.
Magsiawit, Oh kayong mga langit, sapagka't nilikha ng Panginoon; kayo'y magsihiyaw, mga lalong mababang bahagi ng lupa: kayo'y magbiglang magsiawit, kayong mga bundok, Oh gubat, at bawa't punong kahoy na nandiyan: sapagka't tinubos ng Panginoon ang Jacob, at magpapakaluwalhati sa Israel.
O kalangitan, umawit ka sa tuwa! O mundo, sumigaw ka nang malakas! Umawit kayo, kayong mga bundok at mga kagubatan. Sapagkat Ililigtas ng Panginoon ang lahi ni Jacob; ipapakita niya ang kanyang kapangyarihan sa Israel.
Magdiwang kayo, kalangitan! Gayundin kayo, kalaliman ng lupa! Umawit kayo, mga bundok at kagubatan, sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh nang iligtas niya ang bansang Israel.
Magdiwang kayo, kalangitan! Gayundin kayo, kalaliman ng lupa! Umawit kayo, mga bundok at kagubatan, sapagkat nahayag ang karangalan ni Yahweh nang iligtas niya ang bansang Israel.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by